PANDEMYA

Sinalubong natin ang bagong taon ng walang kaalam alam na may epidemyang parating, ika nga nila hindi talaga natin alam ang mangyayari kinabukasan, talagang hindi natin kontrolado ang ating tadhana. Maraming nangyari na hindi natin inasahan. Maraming nawalan ng buhay, nahiwalay sa pamilya, nasugatan, nagkasakit, boung mundo ang naghirap. Sa boung taon nakaranas ang lahat ng takot, takot sa kung ano nanamang mangyayari sapagkat tila maraming sorpresa ang dumadating,mga hinding magandang sorpresa, karumaldumal. 


Isang pananakot na pangyayari na sa boung mundo naghahari, isang sakit na hindi nakikita ng ating mga mata, walang pinipili, kahit sino ka pa o ano man ang iyong estado sa buhay sa ganitong panahon tayo ay pantay-pantay. Sa panahon ng pandemya naranasan nating maging bilango sa sarili nating mga tahanan.





Maraming pagbabago ang nagyari, isa na rito ang malakihang pagbabago ng sistema ng edukasyon, Sa halip na sa eskwelahan ay sa mga tahanan na lamang ng bawat isa ang nagsilbing classroom ng mga kabataan. Walang pwedeng lumabas ni wala na ngang batang makikita sa labas ng kalye. Wala nang mga pampublikong sasakyan, walang lahat, ganon kabagsik ang epidemya, tinalo pa si Manny Pacquiao sa pagpatigl sa paglabas ng mga tao.


Mga tao ay natakot, nangamba at nabahala, kanilang mga trabaho,nagsara, ipinahinto bigla. Mga tao ay umapela. Maraming nawalan kaya't sinisikap nila na mabuhay para sa kinabukasan, sa pamamagitan ng panalangin tila'y lahat ng problema ay nawawala dahil sa pag asang dala.







Maraming epekto ang dala ng pandemya sa mga kabataang katulad ko, kesyo masama o mabuti, halo-halo na. Unang una ay ang pagiging mas malapit sa bawat myembro ng pamilya. Dahil hindi na nakakalabas ay talagang mga myembro lang ng pamilya ang iyong puno ng aliwan. Mas nakakatulong na sa mga gawaing bahay, mas na fo-focus na yung atensyon mo sa mga kilos ng myembro ng pamilya at mas makilala pa sila ng lubusan.Naapektuhan rin ang mental health ng ibang kabataan dahil sa stress na dala ng online learning o modular learning. Merong hindi kinkakaya ang ibang gawain dahil sa walang nagtuturo na guro. Meron ring hindi maksabay sa mga gawain dahil sa internet connection o di kaya ang iba ay kailangan pang bumili ng load para lang makasali sa klase.


Napakahirap, lalo na sa mga batang nag e-edad pa lamang ng 4-8 years old. Wala silang kaalam alam kung walang nagtuturo sa kanila ng maayos at mataas na pasensya sapagkat sila ay mga bata pa lamang. Sa kaso ng mga kabataan na katulad ko na nag e-edad 13 pataas ay ibang klaseng stress rin ang aming naranasan. Gaya nalang kapag hindi kami maka sabay sa klase at kapag mahina ang wifi connection o di kayay maya maya mawawala nanaman. Ang anxiety na nararanasan ng mga kabataang katulad ko ay labis pa sa iniisip ng mga tao.














Comments